"I'm not impressed at all"
Ito ang mga salitang nabitawan
ko pag katapos ko mapanood ang pelikulang ito. Hindi ko ito sinasabi upang makadiscourage sa mga nais manood, pero ito lang ang gustong ipahayag ng saloobin ko.
Sa trailer palang ay nagustuhan ko na ang pelikulang ito. Kasi parang mafia war ng Pilipinas ang dating para saakin nito nung napanood ko ang trailer. Nung una, gusto ko na ayaw ko panoorin ang movie na ito, gusto ko dahil napahanga ako sa trailer kaya naman pakiramdam ko ay maganda ito. Ayoko dahil sa maraming kadahilanan. Pero nung narinig at nalaman ko na Manila Kingpin ang nanalo sa Metro Manila Film Festival 2011 at humakot ng napakaraming awards, lalo kong ninais mapanood ito.
Marami man ang nakuha nila hindi ibig sabihin ay magaling na sila sa lahat dahil para saakin hindi maganda ang pagkaka gawa ng istorya ni Asiong Salonga, kung baga hindi organize ang pagkakalapat nito. Yan lang ang dahilan kung bakit hindi ako naimpressed sa pelikulang ito. Dahil ang storyline ang magdadala sa buong pelikula, kayat ito ang isa sa pinaka importante sa lahat lalo na sa pag bubuo palang ng pelikula. Gayon pa man, ang lahat ay maayos at magaling naman ang pakakagawa ng pelikulang Manila Kingpin. Katulad ng mga gumanap dito, ang bawat isa ay naaayon sa mga character na ginagampanan nila lalo na si Asiong. Epektibo ang kanyang pag arte, nakakatuwa, nakakaawa at nakakasindak. Sa aking palagay, ang nagdala ng kagandahan sa pelikulang ito ay ang buong technical, sa pag eedit, sa effects, sa sinematograpiya lalong nakapukaw ng atensyon ng mga manonood ay ang kulay ng buong pelikulang ito na black and white, parang unique o kakaiba kung titingnan pero dahil luma ang setting ng pelikula ganun din ang pinakita dito. Mapa sa kasootan man, sa mga dialogong kanilang ginamit, sa bahay at mga lugar, at sa mga musika na kanilang napili ay luma din. Kung susumahin, ang Manila Kingpin ay isang magandang pelikula, pero hindi kasing ganda ng aking inaasahan.