Maganda ang pelikila na ito para sa akin, dahil marami itong elemento na nakapagbuo at nakapagpaganda sa istorya pati ang teknikal na aspekto. Ang higit na umagaw sa aking pansin ay ang paglalahad ng kuwento nito. Bilang isang manonood, hindi ako nahirapang subaybayan ang mga pagkasunod-sunod ng pangyayari. Malakas din ang pagbibigay nito ng antisipasyon ng mga tao sa mga maaaring sumunod na eksena. Nakapagpapaganda ito dahil napapaisip ang mga tao kung ano nga ba ang maaaring mangyari. Maganda rin ang pagganap ng mga artista sa mga sari-sarili nilang role. Ngunit meron lamang akong isang katanungan tungkol sa istorya, "Paano nakaligtas ang kapatid ni Mabel na si Mariela sa pagkakalunod? Posible ba na mabuhay ang maliit na bata sa pagkakatangay ng malalakas na alon ng dagat?". Ito lamang ang nakapagtataka sa istorya, sana nabigyan ito ng kalinawan.
Hindi rin naman ito nagpatalo pagdating sa teknikal na aspekto. Nagustuhan ko ang galaw ng mga camera ng dahil ang kadalasan na galaw nito ay tipong laging nagbibigay ng misteryo. Kadalasan, mahahabang panning mula sa iba't ibang angulo habang sinasabayan ng nakakatakot na tunog. Nakapagbibigay ito ng suspense sa mga tao.At pagdating naman sa mga effects, naging mahusay din ito. Malinis ang pag-eedit ng mga effects.
No comments:
Post a Comment