Thursday, January 5, 2012

Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story



"I'm not impressed at all"
Ito ang mga salitang nabitawan
ko pag katapos ko mapanood ang pelikulang ito. Hindi ko ito sinasabi upang makadiscourage sa mga nais manood, pero ito lang ang gustong ipahayag ng saloobin ko.

Sa trailer palang ay nagustuhan ko na ang pelikulang ito. Kasi parang mafia war ng Pilipinas ang dating para saakin nito nung napanood ko ang trailer. Nung una, gusto ko na ayaw ko panoorin ang movie na ito, gusto ko dahil napahanga ako sa trailer  kaya naman pakiramdam ko ay maganda ito. Ayoko dahil sa maraming kadahilanan. Pero nung narinig at nalaman ko na Manila Kingpin ang nanalo sa Metro Manila Film Festival 2011 at humakot ng napakaraming awards, lalo kong ninais mapanood ito.

Marami man ang nakuha nila hindi ibig sabihin ay magaling na sila sa lahat dahil para saakin hindi maganda ang pagkaka gawa ng istorya ni Asiong Salonga, kung baga hindi organize ang pagkakalapat nito. Yan lang ang dahilan kung bakit hindi ako naimpressed sa pelikulang ito. Dahil ang storyline ang magdadala sa buong pelikula, kayat ito ang isa sa pinaka importante sa lahat lalo na sa pag bubuo palang ng pelikula. Gayon pa man, ang lahat ay maayos at magaling naman ang pakakagawa ng pelikulang Manila Kingpin. Katulad ng mga gumanap dito, ang bawat isa ay naaayon sa mga character na ginagampanan nila lalo na si Asiong. Epektibo ang kanyang pag arte, nakakatuwa, nakakaawa at nakakasindak. Sa aking palagay, ang nagdala ng kagandahan sa pelikulang ito ay ang buong technical, sa pag eedit, sa effects, sa sinematograpiya lalong nakapukaw ng atensyon ng mga manonood ay ang kulay ng buong pelikulang ito na black and white, parang unique o kakaiba kung titingnan pero dahil luma ang setting ng pelikula ganun din ang pinakita dito. Mapa sa kasootan man, sa mga dialogong kanilang ginamit, sa bahay at mga lugar, at sa mga musika na kanilang napili ay luma din. Kung susumahin, ang Manila Kingpin ay isang magandang pelikula, pero hindi kasing ganda ng aking inaasahan.

Tuesday, January 3, 2012

Segunda Mano



Maganda ang pelikila na ito para sa akin, dahil marami itong elemento na nakapagbuo at nakapagpaganda sa istorya pati ang teknikal na aspekto. Ang higit na umagaw sa aking pansin ay ang paglalahad ng kuwento nito. Bilang isang manonood, hindi ako nahirapang subaybayan ang mga pagkasunod-sunod ng pangyayari. Malakas din ang pagbibigay nito ng antisipasyon ng mga tao sa mga maaaring sumunod na eksena. Nakapagpapaganda ito dahil napapaisip ang mga tao kung ano nga ba ang maaaring mangyari. Maganda rin ang pagganap ng mga artista sa mga sari-sarili nilang role. Ngunit meron lamang akong isang katanungan tungkol sa istorya, "Paano nakaligtas ang kapatid ni Mabel na si Mariela sa pagkakalunod? Posible ba na mabuhay ang maliit na bata sa pagkakatangay ng malalakas na alon ng dagat?". Ito lamang ang nakapagtataka sa istorya, sana nabigyan ito ng kalinawan. 

Hindi rin naman ito nagpatalo pagdating sa teknikal na aspekto. Nagustuhan ko ang galaw ng mga camera ng dahil ang kadalasan na galaw nito ay tipong laging nagbibigay ng misteryo. Kadalasan, mahahabang panning mula sa iba't ibang angulo habang sinasabayan ng nakakatakot na tunog. Nakapagbibigay ito ng suspense sa mga tao.At pagdating naman sa mga effects, naging mahusay din ito. Malinis ang pag-eedit ng mga effects.